Wednesday , February 4 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

‘Walang puso’ o talagang walang sense si Pialago?

MASAMA palang nagkakaroon ng kompiyansa sa sarili itong si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Spokesperson, Assistant Secretary Celine Pialago… nasosobrahan!

Muling naulit ang karanasan na siya ay pinutakti ng netizens dahil sa kawalan ng ‘sensitivity’ ng kanyang pagpuna o sabi niya’y paggamit ng kanyang tinig bilang isang Filipino laban sa political detainee na si Reina Mae Nasino na namatayan ng 3-buwang gulang na sanggol habang nakakulong.

Mantakin ba namang sabihin na ‘drama’ lang daw ang ginagawa ni Nasino at lahat daw ng nakikisimpatiya ay kilalanin muna kung sino ang dinadamayan nila?!

Wattafak!

Hello, Ms. Passed Away & Ms. Dito Ang Pahalik! Kaway-kaway lang. Hindi pa nalilimutan ng madla ang mga kapalpakan mong gaya niyan, kaya huwag kang magmagaling.

Imbes nalimutan na at nakabawi ka na, hayan rumerepeke na naman sa madla ang iyong mga kapalpakan.

Hindi natin alam kung sumailalim ba sa gender sensitivity orientation si Ms. Pialago na kung hindi tayo nagkakamali ay isa sa rekesitos sa isang empleyado o opisyal ng gobyerno.

Sabi mo tila pambawi sa iyong ‘embarrassing experience’ nang kumandidata ka sa 14th edition ng Miss Earth Philippines noong 2014.

Nag-trending noon dahil sa kanyang sagot nang tanungin ng mga reporter tungkol sa pagkahimatay ng roommate niyang nalipasan ng gutom.

Imbes sabihin niyang “she passed out,” sa sobrang taranta kuno ay “she passed away” ang nasabi ni Celine, kaya pinagpistahan siya ng bashers and haters sa social media.

“So, napatunayan ko na ‘yung kakayahan ko na magsalita, English o Tagalog. ‘Yung isyu ng ‘she passed away,’ nabura na.”

Nabura na nga sana pero muli na namang nabuhay noong pista ng Poong Itim na Nazareno dahil tumabi ka sa signage na ‘pahalik’ na supposedly ay pagtukoy sa poon. Kaya nagalit na naman sa iyo ang mga deboto.

Ngayon  hayan ka na naman. Isang nagdadalamhating ina sa loob ng bilangguan, ang nakuha mo pang pagsalitaan nang ganyan?!

Nagdadrama lang nga ba si Reina Mae ang ina ng yumaong si Baby River?

Kung gusto mo talagang makabawi Ms. Pialago, lagi mo itong tatandaan: “Our prime purpose in this life is to help others. And if you can’t help them, at least don’t hurt them.”

Ngayon kung talagang ayaw pumasok sa kukote mo ‘yan o kung napaka-uncompassionate mo talaga… dapat alam mong wala kang puwang sa public service.

At kung alam mo na, ‘yun na!

 

MANILA HEALTH
WORKERS HAZARD PAY
‘NAKATKONG’ NGA BA?!
(Ayaw ni Yorme ‘yan!)

Sana lang po ay makarating kay Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na ang kanyang fontliners na health workers ay tumanggap lamang ng P5,000  hazard pay.

Mantakin ninyo, P5,000 lang?! Magkano ‘yan sa isang araw mula noong mag-duty sila?

Aba, ‘yung Cainta ay nagbigay ng P7,000, ang Manila ay P5,000 lang?!

Ayon sa Association – Alliance of Health Workers binawasan sila ng P71.9 milyon para sa budget ng hospital sa 2021.

Totoo ba ‘yan?!

Heto po ang narinig natin diyan, desmayado ang health workers dahil mas malaki pa ang nakuhang hazard pay ng MPTB enforcers.

P20k+ sa traffic enforcer pero sa med worker ay 5k lang daw?!

In short, nganga sila kay Isko?!

Mayor Isko, totoo  po ba ‘yan?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Isang makatarungang trapik para sa MRT-7

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SIMULA 1 Pebrero, dapat nang maghanda ang mga motorista …

PADAYON logo ni Teddy Brul

“Minahal kita” – Si Kristo sa panig ng Anakpawis (Dilexi Te – Book of Revelation 3:9)

PADAYONni Teddy Brul SA PAGLULUNSAD ng Labor Consultative Assembly na inisyatiba ni Bishop Gerardo “Gerry” …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Paninindigan ni Chiz sa  impeachment vs VP Sara tama, batas dapat masunod

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA GITNA ng matinding tensiyon at ingay ng politika noong kasagsagan …

Sipat Mat Vicencio

Mr. President, bakit hindi ‘urgent’ ang anti-political dynasty bill?

SIPATni Mat Vicencio SA KABILA ng pagdedeklara ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na isang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Desperate move kina PBBM, ES Recto…pero bokya sa ebidensiya

AKSYON AGADni Almar Danguilan TIRANG personal – usong-usong ito sa away politika. Madalas nangyayari ang …