Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Recruitment para sa Avigan trial maaari nang simulan

MAAARI nang simulan ang recruitment ng mga pasyenteng lalahok sa clinical trial ng gamot na Avigan sa CoVid-19, ayon sa Department of Health (DOH).

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na pinayagan na ang proponent o mamumuno ng trial na si Dr. Regina Berba, infectious diseases expert, na mangasiwa sa paghahanap ng volunteers.

“Nagkaroon tayo ng meeting last week at nagkaroon ng kasunduan that we can already allow our proponent, Dr. Berba, she can oversee the recruitment of participants.”

Inilinaw ni Vergeire na maaari pang madagdagan ang 100 initial target ng mga lalahok sa trial. Reaksiyon ito ng DOH spokesperson matapos umalma ang ilang eksperto sa isinagawang trials ng gamot sa Japan.

Batay sa ulat, hindi kombinsido ang ilang eksperto sa resulta ng Avigan trials sa 200 participants. Masyado umanong maliit ang bilang para makapaglabas ng matibay na ebidensiya.

“These trials are open, katulad ng WHO Solidarity Trial for drugs, habang nakikita natin na lumalawig, may natatanggal na gamot, tumitigil na pasyente, puwede kang magdagdag in the course of this trial,” ani Vergeire.

“We’re not saying na 100 is 100. We will see kung kakailanganin na magdagdag in the coming weeks as we go along with the trial, we will do that,” paglilinaw ng opisyal.

Donasyon ng Japanese government ang Avigan na isang uri ng anti-influenza drug na ginagamit sa Japan.

Noong Agosto pa dapat ang orihinal na schedule ng pagsisimula ng trial nito sa Filipinas. (CYNTHIA MARTIN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Cynthia Martin

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …