Monday , May 12 2025

13th month pay ng manggagawa ipakikiusap ni Go (Base sa itinatakda ng batas)

NANINDIGAN si Senator Christopher “Bong” Go na dapat ibigay ang 13th month pay ng mga manggagawa  sa tamang panahon.

 

Ipinaliwanag ni Go na batid niyang hirap pa ang karamihan dahil sa pandemyang CoVid-19 kaya dapat  unahin ang kapakanan lalo ng maliliit na manggagawa.

 

Ang pahayag ay bilang tugon ni Go sa pinag-aaralan ng Department of Labor and Employment (DOLE) na payagang ipagpaliban o hindi ibigay ang 13th month pay ng mga manggagawa dahil maraming negosyo ang pinipilit makaagapay sa krisis.

 

Sinabi ni Go, dapat tulungan ng gobyerno ang maliliit na negosyo upang makaahon nang mas maalagaan ang  kanilang mga empleyado at hindi maapektohan o mahinto ang mga benepisyo na itinatakda ng batas.

 

Muling namang ipinaalala ni Go na habang patuloy na nilalabanan ng bansa ang pandemya, mas nararapat ngayon ang pagtutulungan  at pagmamalasakit  para sa isa’t isa.

 

Giit ni Go, dapat palaging isaalang-alang ang kapakanan ng mga ordinaryong Filipino na nagsasakripisyo araw-araw para sa kanilang pamilya.

 

Tiniyak ni Go, makikiusap siya kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa DOLE para matiyak na matanggap ng mga empleyado ang kanilang 13th month pay sa itinatakdang panahon ng batas. (CYNTHIA MARTIN)

About Cynthia Martin

Check Also

Bagong Pag-asa sa Bagong Balayan, dinagsa!
Miting de Avance Dinagsa

EMOSYONAL na nagtapos ang miting de avance ng Team Bagong Balayan sa pangunguna ni mayoralty …

Anti Kid Peña

Paulit-ulit na Paglabag  
Campaign posters ni Kid Peña, natagpuan sa loob ng Makati barangay hall

MATAPOS mahuling may campaign materials din ang running mate na si si Luis Campos sa …

Benhur Abalos

Abalos, gustong palawakin gamit ng Special Education Fund ll

HINIMOK ni dating Interior and Local Government Secretary at senatorial candidate Benhur Abalos ang pamahalaan …

Benhur Abalos

Boots Anson-Rodrigo, film executives inendoso si Benhur Abalos sa Senado

ni ROMMEL GONZALES SA unang pagkakataon ay nag-endoso ng isang political aspirant ang respetadong aktres …

Sam SV Verzosa 2

Tunay na pagbabago sa Maynila sigaw ni SV: Nagpasalamat kina Isko at Honey

MARICRIS VALDEZ “MAYNILA handa na sa tunay na pagbabago Ipapanalo ko kayo! Ito ang mga salitang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *