Thursday , December 26 2024
dead gun police

Biñan council secretary, doktor todas sa ambush

PATAY ang kalihim ng Biñan City Council sa lalawigan ng Laguna, na si  Edward “Edu” Alonte Reyes, at ang kasamang doktor, nang tambangan at pagbabarilin noong Linggo ng gabi, 4 Oktubre, sa Barangay San Antonio, sa bayan ng Biñan.

 

Miyembro si Reyes ng kilalang angkan ng mga politiko sa nasabing lungsod, at pinsan ni Biñan Rep. Marlyn Alonte.

 

Kinilala ang kaniyang kasama na si Don Deocaris, na nabatid ng pulisya na isang doktor.

 

Tinambangan sina Reyes at Deocaris habang sakay ng kotse ng hindi pa matukoy na mga suspek sa Jubilation Road malapit sa city government building dakong 7:30 pm noong Linggo.

 

Dinala ang mga biktima sa University of Perpetual Help Hospital sa Biñan ngunit idineklarang dead on arrival.

 

Sa parehong petsa noong 2017, nasugatan si Reyes at isa niyang bodyguard habang patay ang isa, sa isang pananambang matapos niyang lumabas sa government building.

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *