Saturday , November 16 2024
shabu drug arrest

65-anyos ina arestado sa P4-M shabu

AABOT sa P4 milyong halaga ng shabu ang nakuha sa  isang 65-anyos ina at sa kanyang anak na lalaki sa isinagawang buy bust operation ng mga awtoridad sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Caloocan City police chief Col. Dario Menor ang naarestong mga suspek na sina Taya Sulong, 65 anyos; at anak na si Abdul Sulong, 33 anyos, kapwa residente sa Block 1, Lot 9, Villa Enrico Heights, Barangay 171 ng nasabing lungsod.

Batay sa ipinadalang ulat ni Col. Menor kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Ronaldo Ylagan, dakong 8:20 pm nang isagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Deo Cabildo ang buy bust operation laban sa mga suspek sa kanilang bahay.

Dito nakipag­transak­siyon sa mga suspek ang pulis na poseur-buyer ng P70,000 halaga ng shabu.

Matapos tanggapin ng mga suspek ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng isang medium knot-tied plastic bag ng shabu ay agad inaresto ng mga operatiba ang mag-ina.

Nakompiska sa mag-ina ang nasa 600 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang P4,080,000 ang halaga, digital weighing scale, at isang P1,000 bill na nakabugkos sa 69 piraso P1,000 boodle fake bills na ginamit bilang buy-bust money.

Kaugnay nito, pinuri ni Gen. Ylagan ang mga operatiba ng Caloocan Police SDEU dahil sa kanilang matagumpay na drug operation at malaki aniya itong kabawasan para hindi kumalat ang ilegal na droga sa lungsod.

Nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Dangerous Drug Act of 2002 ang ang mag-inang  Sulong na nakapiit sa detention cell ng Caloocan City Police.

(ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *