BULGARAN ang sobrang paghanga ni Nora Aunor noong mapanood ang short film na Heneral Rizal na nagtatampok at siya ring nagdirehe, ang award winning actor na si Nanding Josef.
Ani Guy, marami siyang natutuhang makadaragdag sa kaalaman sa pagganap.
Hinangaan din ni Guy ang istorya nito.
Flattered naman on the other hand si Direk Nanding dahil isang batikang actress ang pumupuri sa kanyang obra maestra.
Dream ni Guy magkasama muli sila ni Direk Nanding na huli niyang nakasama noong panahon pa ni Direk Lino Brocka, sa pelikulang Bona.
SHOWBIG
ni Vir Gonzales