NAKALULUNGKOT na tahimik na ngayon ang Metro Manila Film Festival. Dati-rati, bago pa man pumasok ang ber, kabi-kabila na ang usapin ukol sa shooting ng mga kalahok na pelikula sa festival.
Ngayon, tahimik ang lahat. Hindi nababalita kung may nagsu-shoot o may natapos na bang pelikulang kalahok sa MMFF 2020.
Dahil sa pandemya, maraming protocols ang dapat sundin ng mga film outfit na tiyak na nahihirapan sila gayundin ang mga artista.Subalit kung hindi naman nila iyon susundin, hindi sila makapagsisimulang gumawa ng pelikula. Lalong walang mangyayari sa ating industriya.
Ang dapat pang isaalang-alang, sakaling makatapos nga sila ng pelikula, paano ang pagpapalabas niyon? Mag-click naman kaya? Mabawi kaya ang ipinuhunan nila sa paggawa ng pelikula?
SHOWBIG
ni Vir Gonzales