Monday , March 16 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sports car ni Daniel, nabangga (Tricycle driver, binigyan pa ng pera imbes na pagalitan)

USAP-USAPAN ngayon ang mamahaling sports car ni Daniel Padilla, na binangga ng isang tricyle riyan sa may West Fairview sa Quezon City kamakalawa ng hapon. Nang mabangga, bumaba sa kanyang minamanehong sasakyan ang actor, at sa halip na magalit sa medyo takot na tricycle driver dahil alam naman niyon na kasalanan nga niya ang nangyari, nakangiti lang si Daniel. Pinangaralan ang tricycle driver na mag-ingat sa kanyang pagmamaneho at sa susunod, sundin ang tamang distansiya sa pagmamaneho.

Hindi lang social distancing, pero ang regulasyon sa kalye, ang dapat na distansiya mo sa sinusundan mo ay mga tatlo hanggang limang metro, o kasing laki ng isang sasakyan. Mali iyong nagmamaneho nang nakatutok sa sinusundan.

Hindi naman masyadong malaki ang nasira sa kotse ni Daniel, pero siyempre dahil sports car iyon hindi naman maaaring pabayaan at hindi ipa-repair. Pero sa halip na pagbayarin ang nakabangga, na siguro alam naman niyang walang ibabayad, iyong nakabangga pa sa kanya ang binigyan niya ng pera.

Naiintindihan din ni Daniel ang kalagayan niyong tricycle driver. Isipin ninyo, ilang buwan din nga naman silang walang hanapbuhay dahil sa nangyaring lockdown. Bale ngayon lang sila nakakapasada, kung pagbabayarin pa nga niya iyon, saan naman iyon kukuha?

Pero marami nang ganyang kuwento tungkol kay Daniel. Noong araw nga may kuwento pa iyong isang matandang babae na tumigil ang kotse ni Daniel sa harap niya habang nagtitinda siya ng chewing gum sa kanto, pinakyaw ng actor ang lahat ng tindang chewing gum, at binigyan siya ng sobra pang pera, at sinabihang huwag nang magtitinda roon dahil delikado. Ayon sa matanda, ang naging ayuda ni Daniel ang naging puhunan niya para mag-iba ng hanapbuhay. Nagtitinda na lang siya ngayon ng lutong ulam sa harap ng kanilang bahay.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Ricci Rivero Juliana Gomez

Ricci pinararatangang oportunista sa pakikipag-close kay Juliana

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRA naman ang basher ni PBA cager Ricci Rivero. Sa pinag-uusapan ding …

Janine Gutierrez

Janine ipinangalandakan Fake News pagbubuntis

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GAYA ng ibang celebrities na natsismis na buntis nang dahil lang …

Dangal ng Pinas 2026

Coco, Jen, Dennis bibigyang parangal sa Dangal ng Pinas 2026

MATABILni John Fontanilla ISANG non-government at non-profit award giving body ang Dangal ng Pinas na ang misyon …

Ahtisa Manalo Alden Richards

Ahtisa inaming crush si Alden: he has a maamo face

MATABILni John Fontanilla MULA sa pagiging beauty queen ay pinasok na rin ni 3rd runner …

Face to Face to Face with Ate Koring Korina Sanchez-Roxas

Korina Sanchez-Roxas bagong Ka-Nanay sa Face to Face with Ate Koring ng TV5 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NGAYONG Women’s Month, muling magbabalik sa TV5 ang isang programang minahal ng marami, …