Saturday , November 16 2024
media press killing

Media sapol sa Anti-Terror Law

ni ROSE NOVENARIO

TALIWAS sa ipina­ngalandakan na hindi gagamitin sa malayang pamamahayag at akti­bismo ang Anti-Terror Law, unang naging ‘casualty’ ng kontrobersiyal na batas ang isang alternative media magazine.

Mariing kinondena ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) ang pagkompiska ng mga tauhan ng Pandi Police sa libo-libong kopya ng alternative media magazine Pinoy Weekly mula sa tanggapan ng urban poor coalition Kalipunan ng Damayang Mahihirap sa Pandi kamakalawa ng umaga dahil nagtuturo umano ng paglaban sa pamahalaan.

“This incident is a very clear example of the dangers the Filipino people face from the Anti-Terrorism Act of 2020,” anang kalatas ng NUJP.

“The law’s vague provisions grants too much leeway for interpretation by agents of the state who mistakenly believe their mission is to stifle criticism and dissent, not protect these as part of the people’s basic rights,” dagdag ng NUJP.

Nanawagan ang NUJP sa pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na imbestigahan agad ang malinaw na paglabag sa batas ng kanilang mga tauhan kasabay ng paghimok sa lahat ng mga pulis na repasohin ang batayang batas, lalo ang Bill of Rights ng Saligang Batas.

Sa nakalipas na apat na taon ng adminis­trasyon, ilang beses tinuligsa mismo ni Pangu­long Rodrigo Duterte ang media, tinawag na bayaran, hindi exempted sa assassination, binatikos ang Philippine Daily Inquirer, Rappler at ABS-CBN sa pagiging kritikal sa kanya.

Kamakailan ay naha­tulan sa kasong paglabag sa Cybercrime Prevention Act ang dalawang taga-Rappler habang ang hirit na franchise ng ABS-CBN ay ibinasura ng Kongreso na nagresulta sa pag­kawala ng trabaho ng may 11,000 obrero nito sa panahong nararanasan sa buong mundo ng hagupit ng COVID-19 pandemic.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *