Saturday , November 16 2024
deped Digital education online learning

Mega web of corruption: Ikinakasang DepEd online education hi-tech pero ‘pabigat’ at komersiyalisado

ni ROSE NOVENARIO

NAG-VIRAL sa social media noong nakaraang buwan ang mga larawan ng mga guro sa Davao de Oro na nagkumpulan sa tabi ng kalsada para makakuha ng malakas na data connection signal bilang paghahanda sa mekanisno ng distance learning batay sa ipinaiiral na health protocols sa panahon ng pandemyang COVID-19.

Bukod sa mga guro, napaulat din na ilang mga mag-aaral ang nagpupunta sa kabundukan para makasagap ng data connection signal upang maipadala ang requirements sa kanilang paaralan.

Ang mga nabanggit na sitwasyon ng mga guro at mag-aaral ay hindi lamang sa Davao de Oro mararanasan kundi maging sa ibang bahagi ng bansa sa napipintong pagbubukas ng eskuwela sa 24 Agosto 2020, sa ilalim ng mga bagong patakaran na ipinaiiral sa sitwasyong ‘new normal.’

Ngunit ayon sa ilang eksperto sa akademya, ang bagong set-up na online education para sa mga mag-aaral at guro sa ilalim ng ‘new normal’ ay hindi paborable sa mga pamilyang maliliit ang kita lalo na yaong mga umaasa sa araw-araw na transaksiyon.

Anila, ang nakitang sitwasyon sa Davao de Oro ay hindi lamang magdudulot ng panganib sa buhay ng mga guro at mag-aaral, dagdag pasakit din ito sa bulsa ng mga magulang dahil kailangan bumili ng gadget na gagamitin ng kanilang anak sa online education, bukod pa, ‘masakit’ sa bulsa na tustusan ang load upang magamit ito.

Ibig sabihin, sa likod ng paghihirap ng mga magulang, guro at mag-aaral, tatabo nang malaki ang telecommunications companies na kokonek sa nasabing programa ng DepEd.

Kung matagal gagamitin ang data connection para sa pag-aaral, kakain ng malaking halaga sa budget ng pamilya ang pambili ng load ng estudyante.

Batay sa dokumento, inilalako ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) at Intercontinental Broadcasting Corporation (IBC-13) sa Kongreso na maglaan ng hanggang P1.5 bilyon para sa modernisasyon ng state-run network upang maisakatuparan ang DepEd project na may titulong “Intercontinental Broadcasting K-12” mula Hulyo 2020 hanggang Abril 2021.

Nakasaad sa Marketing Plan ng proyekto ang mga sumusunod: 1. Have a YouTube channel that can be viewed by K-12 students and can be a source of revenue; 2. Partnership with private companies thru their CSR (corporate social responsibility) programs; 3. Airing of commercials in-between subject breaks.

Ibig sabihin umano, malaki ang load na magagastos ng isang estudyante para mapanood ang isang online lecture sa lugar na mahina ang signal ng telco, Smart man o Globe.

Ayon sa mga akademista, dagdag parusa sa bulsa at aksaya sa oras na sapilitang panoorin ang commercial o anunsiyo na isisingit ng IBC-13 YouTube channel.

“Kailangan ba talagang pagkakitaan ng isang state-run network ang DepEd project na magbabayad ng airtime sa IBC-13 ng hanggang P214 milyones upang ipalabas ang kanilang learning materials?” tanong ng mga akademista.

Pinangangambahan din na ang pagpasok ng mga commercial advertisement ay maging karagdagang ‘languyan ng korupsiyon’ sa ipatutupad na program.

Ilan dito ang mga tanong na: “May kukubra ba ng komisyon sa advertisement? Ilang porsiyento? May advertising agency ba na nais makinabang sa proyekto?”

Bukod diyan, may kausap ba ang telecommunication companies, gaya ng Globe at Smart, sa PCOO, IBC-13 at DepEd? (MAY KASUNOD)

About Rose Novenario

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *