Sunday , December 29 2024

PSC pokus sa pagbabalik-training ng Olympic qualifiers

BINIGYANG-DIIN  ng Philippine Sports Com­mission (PSC)  ang kahala­gahan ng pagbabalik-training ng mga Olympic qualifiers sa pagsalang ng PSC-GAB-DOH Stake­holders’ sa Virtual Meeting na hosted ng Department of Health (DOH) nung Huwebes.

Si PSC Officer-in-Charge Ramon Fernandez at National Training Director Marc Velasco ang nagrepresenta ng sports agency sa talakayan ng Joint Administrative Order Guidelines on the Conduct of Health-Enhancing Physical Activities and Sports sa kasagsagan ng Covid-19 pandemic.

Sa meeting na dinalu­han ni Games and Amuse­ments Board (GAB) Chairman Baham Mitra,  sports leaders of the Department of Education, professional sports league, colleges and universities, inilahad ng PSC heads ang kanilang solidong plano sa pagpapatuloy ng preparasyon para sa Tokyo-bound athletes.

“We are working towards the approval of the training of our national athletes who have earned their slots in the Games. We are hoping it gets the go-signal from the Inter-Agency Task Force (IATF) first,” pahayag ni Fernandez.

“The PSC discussed this with the POC (Philippine Olympic Committee). We still have to sit down with the PPC (Philippine Paralympic Committee). The POC will determine through their NSAs (National Sports Associations) who are coming for the Olympic slots and they will be the ones to return first or if possible, we can have them in a bubble,” pagpa­pali­wa­nag ni  Velasco.  Dagdag niya na ang PSC ay dapat na magtrabaho kasama ang POC, NSAs at ang team ni Dr. Randy Molo ng PSC’s Medical Scientific Ahtlete Services (MSAS) at tingnan ang guidelines at ang protocols para, “we can all have a good guide for the return to training. We’re preparing the venues as well.”

Sa pagbibigay-diin sa zero positive cases sa national athletes, ang PSC ay nagmumungkahi  na ituloy ang training ng ating Olympic qualifiers pero dapat lang na sumunod sila sa standard health procedures.

“We did that with athletes who stayed here in Philsports. We facilitated their transit – since Metro Manila is high-risk and they are going to their low-risk provinces. So we did tests on them, but at the same time, we kept them in a bubble. Through that, we were able to guarantee that the athletes were not exposed, which is confirmed by the tests, and then we made sure that even their transport to the airport was controlled by PSC,” sabi ni  Velasco.

Ang nasabing meeting para sa Joint Adminis­trative Order (JAO) Guidelines ay upang  iprepara at alamin sa stakeholders na siguruhin na na-cover nila ang kinakailangang public health standards for physical and sporting activities and allowable thresholds for professional and nonprofessional sports per risk severity area.

Ang guidelines ay pag-uusapan pa at puwedeng magkaroon ng kinaka­ilangang pagbabago  bago pa ito isumite sa IATF. (PUBLIC COMMUNICATIONS OFFICE)

About hataw tabloid

Check Also

Bambol Tolentino

Magsisimula na ang trabaho sa POC sa 2025 – Tolentino

Ang bagong re-elected na presidente na si Abraham “Bambol” Tolentino ay magtatawag ng pagpupulong ng …

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

MULING isinalba ni Jamesray Mishael Ajido ang kampanya ng Team Philippines sa nasukbit na gintong …

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

FINAL Standing             Gold             Silver         Bronze      Total Philippines-A                   30                   37            32              99 Malaysia –  B                   17                   …

Manny Pacquiao Dubai Sports Council

Sa kolaborasyon ng PH at UAE
Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Dubai Sports Council nagpulong para sa oportunidad ng sports development 

NAKIPAGPULONG si Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao sa mga opisyal ng Dubai Sports …

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

TUMULAK patungong Thaiand ang binuong delegasyon ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) na sasabak sa apat …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *