Thursday , December 19 2024

Go Manila App: Online payment ng Manila City hall, mas pinalawak

UPANG matiyak ang kaligtasan ngayong nahaharap ang bansa sa pandemya ay mas pinaigi ng pamanahalaang lunshod ng Maynila ang kanilang serbisyo kaya hindi na kailangan pang umalis ng bahay at magpunta sa Manila City Hall ang mga nais magbayad ng lahat ng uri ng business transactions dahil puwede itong gawin sa loob ng inyong tahanan sa pamamagitan ng “Go Manila App.”

Ito ang ilan sa kahalagahan ng pag-avail sa nasabing online payment system na inilunsad ng lokal na pamahalaan ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso.

Ayon kay Moreno, nasa mahigit 10 porsiyento ng mga regular na nagbabayad sa city hall ang ginagamit na ang online payment app  at lubos na nasiyahan.

Dahil dito, lubos ang panghihikayat ni Mayos Isko sa 370,000 real property owners at mahigit na 50,000 business establishment operators sa Maynila na tangkilikin ang online bilang paraan ng pagbabayad na  ‘hassle-free’  kompara sa pagpunta sa City Hall na gagastos pa ng pasahe o Gasolina at posibleng ma-expose sa panganib ng COVID-19.

Paghihimok ng alkalde, “by simply downloading in their mobile cellphones  the ‘GO MANILA’ app (application) for safer, easier and effortless business dealings with the city government.”

Nabatid sa alkalde, ang online payment ay maaaring magbayad anomang oras at ‘di na kailangan pang makipaghabulan ang mga taxpayers sa deadline na 5:00 pm closing ng mga tanggapan sa city hall.

“The  said mobile app provides a fast, effective and convenient manner of various services to the public and a more secure and cost-effective means to access a full range of payments and financial services that now reaches not only the constituents of the City but even those already residing abroad,” ani Mayor Isko.

Nabatid na dinaragsa ng pagbati ang kanyang tanggapan mula sa mga taga-Maynila na nasa ibang bansa na nag-avail na ng online payment system.

Ang mga maaaring bayaran sa online app ay real property at business tax payments at sakop din ng online payment system ang mas malawak na puwedeng bayaran sa gobyerno at pribado, mayroong E-Wallet para sa loading, payment, sending  receiving ng funds. Puwede na rin bayaran dito ang cedula (community tax certificates), birth at death certificates at iba pa.

(BRIAN BILASANO)

About Brian Bilasano

Check Also

ASIN Center Salt Innovation for a Better Future

ASIN Center: Salt Innovation for a Better Future

DOST Undersecretary for Regional Operations, Engr. Sancho A. Mabborang together with DOST 1 Regional Director, …

CasinoPlus FEAT

Casino Plus Celebrates Unprecedented Wins in Color Game Big Win Jackpot, Welcomes 21 New Multi-Millionaires within first month of launching

Casino Plus recently achieved a major milestone, marked with a celebratory press conference held on …

Chinatown TV sent field reporters to attend the Seminar on Press Officers and Journalists for the Philippines

Chinatown TV sent field reporters to attend the Seminar on Press Officers and Journalists for the Philippines

On November 27, 2024, Chinatown TV sent reporters Shakespeare Go and Andrew See to Changsha, …

BingoPlus Howlers Manila 3.0 FEAT

BingoPlus blasts the party at the Howlers Manila 3.0

BingoPlus, the country’s leading digital entertainment platform, elevated the Howlers Manila 3.0 Cosplay and Music …

BingoPlus, ArenaPlus, and GameZone wrap up 2024 in an appreciation night FEAT

BingoPlus, ArenaPlus, and GameZone wrap up 2024 in an appreciation night

METRO MANILA – BingoPlus, the country’s most comprehensive digital entertainment platform, together with your 24/7 …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *