Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ryza Cenon, limang buwan ng buntis

IBINAHAGI kahapon ni Ryza Cenon sa pamamagitan ng kanyang Instagram ang ukol sa kanyang pagdadalantao.

 

Proud na ibinando ni Ryza sa kanyang Instagram na @aimryzacenon ang paglaki ng tiyan sa pamamagitan ng apat na pictures—solo picture at damit ng bata, na may caption na, It’s the small moments that make life big. Happiness is on the way. 🥰#prayeranswered #Godsgift #newjourney @miguel.antonio.cruz

 

Pagkaraan ng ilang oras, muli itong nag-post ng dalawang picture na ikinokompara ang pictures niya noong sexy pa siya at ngayong buntis na. “Before & After 🥰🏻 @nikogvillegas.”

 

Nakatatawa naman ang last post niya sa IG. “Kung dati sa pictorial sasabihan ako ng stomach in. Ngayon bilang di pa ganun daw kalaki, pinapa stomach out ako para daw halata na.
Glam Team–Makeup by Yours Truly; Photographer: @nikogvillegas;
Hair: @mycke.arcano; Stylist: @ryujishiomitsu; Assisted by: @paulxsese,

Sa interview ng PikaPika.ph, isang entertainment site kay Ryza, sinabi nitong limang buwan na siyang buntis at sa Nobyembre niya inaasahang magluluwal ng isang malusog na baby boy.

 

At sa mga nagtatanong kung sino ang ama ng kanyang anak, ito ay ang cinematographer na si Miguel Cruz na nagmula sa Bacolod City.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …