Saturday , November 23 2024
abs cbn

ABS-CBN, nanindigan: Nagbabayad kami ng tamang buwis at sumusunod sa batas

PINANINDIGAN ng ABS-CBN sa muli nilang pagharap sa mga mambabatas noong Hunyo 30, Martes, na nagbabayad sila ng tamang buwis at sumusunod sa mga batas sa pagbubuwis.

 

Ani Ricardo Tan, ABS-CBN Group Chief Financial Officer (CFO), sa ikasiyam na padinig sa prangkisa, “ABS-CBN has paid its proper taxes every year contrary to the allegations, there has not been a single year where ABS-CBN has paid zero taxes.”

 

Iginiit ni Tan na P5.2-B ang kabuung buwis na binayaran ng buong grupo ng ABS-CBN noong 2018, na P465-M dito ay income tax.

 

“In fact, the BIR issued a tax clearance to ABS-CBN for the year 2018,” paliwanag niya.

 

Ayon din sa Group CFO ng ABS-CBN, walang nilabag ang kompanya sa prangkisa nito sa pagkuha ng tax incentives sa gobyerno ng subsidiary nitong Big Dipper Digital Content and Design Inc.. Ang Big Dipper ang nag-aayos at naghahanda ng format ng mga palabas ng ABS-CBN para sa pagpapalabas nito sa ibang bansa.

 

Pinatunayan naman ni Philippine Economic Zone Authority (PEZA) director general Charito Plaza na rehistrado sa kanila ang Big Dipper bilang isang “IT Enterprise” at kuwalipikadong tumanggap ng tax incentive. Nagbabayad rin ng tamang buwis ang Big Dipper.

 

“Big Dipper, which is 99% owned by ABS-CBN, is compliant with PEZA’s requirements as to the payment of their taxes represented by the 5% GIE (gross income earned) 3% goes to the BIR, and the record of BIR will attest to this, and 2% goes to the local treasurer of the eco-zone host LGU,” ani Plaza.

 

Nilinaw din ni Tan na naaayon sa batas ang mga compromise agreement ng ABS-CBN at Bureau of Internal Revenue (BIR). Aniya, kahit sinong nagbabayad ng buwis ay maaaring gawin ito. Nakapagbayad na rin ang ABS-CBN base sa mga kasunduang ito, na aprubado ng BIR at Court of Tax Appeals.

 

Itinanggi rin ni Tan na ginagamit ng network ang ABS-CBN Lingkod Kapamilya Foundation bilang tax shield na hindi ito nag-file at nagbayad ng donor’s tax.

 

“This allegation is false. The ABS-CBN Lingkod Kapamilya Foundation has always been transparent in its efforts to uplift and improve the lives of Filipinos. It is accredited by the Philippine Council for NGOs certification and its tax exemption has been confirmed by the BIR. The donations it receives are not subject to donors’ tax,” giit pa niya.

 

Una nang sinabi ng pinuno ng Large Tax Payers Audit Division 3 ng BIR na si Simplicio Cabantac Jr. sa pagdinig sa Senado noong Pebrero 24 na regular na nagpa-file at nagbabayad ang ABS-CBN ng buwis sa mga nagdaang taon.

 

Noong Martes, sa permiso ni ABS-CBN president and chief executive officer Carlo Katigbak, ibinunyag din ni BIR assistant commissioner Manuel Mapoy na P15,382,423,364.16 ang kabuuang buwis na binyaran ng ABS-CBN mula 2016 hanggang 2019.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *