NAGBIGAY babala si Alden Richards sa lahat ng mga kaibigan, fans at supporters niya dahil sa isang pekeng Facebook page na nanloloko at nambibiktima ng mga inosenteng netizens.
Isang sindikato online ang ang gumawa ng Facebook Page gamit ang gamer tag name ni Alden na AR Gaming with matching picture niya bilang profile. Dito nagsisimula ang kanilang panloloko para makakuha ng salapi sa mga taong kakagat sa kanilang modus operandi.
Nang malaman ito ni Alden ay agad nag-post sa kanyang Twitter at nakiusap sa mga kaibigan at tagahanga na i-report ang pekeng account para hindi makapanloko.
Nag-post di si Alden sa kanyang FB account ng screenshot ng nasabing pekeng account.
“Strengthen the support for ALDEN RICHARDS GAMING CAREER while establishing HELPING HANDS FOR THE LESS FORTUNATE.
“HELP ONE ANOTHER! Save the poorest of the poor especially those who are living on the streets only.
“Proceeds of this page will be used to help less fortunates! Please help me like, share, and follow the page.”
Ini-repost ito ni Alden sa Twitter at nilagyan ng caption na, ”Fake account please report. [praying hands emoji].”
Agad na kumilos ang mga supporter/follower ni Alden at ini-report ang fake account na mabilis na nawala.
MATABIL
ni John Fontanilla