MAY dalawang simpleng tips si Mikael Daez sa mga aspiring vlogger na gustong pagbutihin ang kanilang editing skills. Isa sa ginagawa niya ay ang manual in-camera transition NA pagkatapos mag-film ay dahan-dahang inilalayo ang kamera mula sa subject o ang tinatawag na ‘panning out’.
“Ang nangyayari roon is nagkakaroon na kaagad ng transition at the very end of your video,” ani Mikael.
Isa pang trick nito ay maghanap ng mga kakaibang angulo na nakabibilib sa perspective ng viewers.
“If you put just a little bit of effort na, what if you put the camera at your feet or what if you put it above your head? Dapat lagi mong baguhin ‘yung angle mo,” dagdag ng Kapuso actor.
Samantala, habang tigil muna sa taping ng pinagbibidahang GMA primetime series na Love of my Life, aktibo si Mikael at asawang si Megan Young sa kanilang YouTube vlogs at podcasts at online gaming for a cause.
Rated R
ni Rommel Gonzales