Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Megan, aminadong apektado ng pandemya ang beauty pageants

AMINADO si Megan Young na naapektuhan na ng pandemya ang beauty pageant industry.

 

“I host Miss World every year and wala rin akong balita kung ano’ng mangyayari doon. It has definitely changed. As of now, I have no idea. But I think the first thing that we want to do is to make sure that everyone’s safe,” ayon kay Megan. 

 

Napansin naman ni Megan na marami pa rin ang naghahanda para sumabak sa pageants kahit pinatigil na ang mga large gathering. “Marami ring naghahanda, kasi beauty pageants are there for a good cause and there are so many advocacies ng girls. So malay natin maiba ‘yung platform ng beauty pageants in the coming years. Maybe it would not just be a show anymore.”

 

Ipinahayag din ni Megan ang kanyang paghanga sa mga kapwa beauty queen na aktibo at vocal pagdating sa current social issues. “I commend them for speaking their mind. I think we all have different ways of showing support for certain things: others may be outspoken about certain things, others they try to do it behind closed doors, and others do it through donating.” 

 

Habang tigil muna sa mga serye, inilalaan ni Megan at asawa nitong si Mikael Daez ang kanilang oras sa paggawa ng vlogs, podcasts, at pagsali sa online game tournaments for a good cause.

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …