ROLE model kung ituring ni Kim Domingo si Jaclyn Jose.
Ang 2016 Cannes International Film Festival Best Actress ang tinitingala niya sa showbiz.
Aniya, “Isa siya sa mga taong tinitingnan ko na balang-araw maging ganoon ako.”
Dahil nga rito ay sinusubukan niyang sundan ang yapak ni Jaclyn. Una na rito ang desisyon niyang iwan ang imahe ng pagiging sexy star.
“Inunti-unti ko siya. Inuna ko siyempre, hindi na ako nagpo-post ng mga sexy photo tapos ‘yung pananamit ko, hindi na rin ako masyado nagsusuot ng mga revealing clothes.”
Naging motivation din niya ang payo na nakuha mula kay Marian Rivera na nakatrabaho niya noon sa primetime series na Super Ma’am. “Sabi niya, ‘Kung saan ka masaya, kung saan ka mas komportable, ‘yun ‘yung gawin mo. At saka maganda nga ‘yan na mayroon ka pang ibang ipakikita,” dagdag pa ni Kim.
Rated R
ni Rommel Gonzales