Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jeric, mahilig sa mas may edad sa kanya

WALANG kaso kay Jeric Gonzales kung bida man o suporta lamang siya sa isang proyekto.

 “Oo naman, oo naman! Walang problema kasi ano eh, dumadaan naman talaga sa artista na ano, support ka man o bida or kahit anong role ‘yan, basta binigyan ka ng role kailangan talaga gawin mo and ibigay mo ‘yung best mo,” sinabi ni Jeric.

At bago nagkaroon ng pandemic dala ng Covid-19, umeere ang maituturing na biggest break ni Jeric sa kanyang career, ang Magkaagaw.

Pinag-aagawan si Jio (Jeric) nina Veron (Sheryl Cruz) at Clarisse (Klea Pineda) sa nabanggit na GMA Afternoon Prime series.

Samantala, mapapanood si Jeric sa Anak Ni Mister, Kabit Ni Misis episode ng Magpakailanman na pagbibidahan ni Jeric, kasama sina Ina Raymundo at Joko Diaz sa Sabado, June 27, sa GMA. Idinirehe ito ni Lord Alvin Madridejos.

Makakasama rin sa episode na ito sina Sharmaine Suarez, Ben Isaac, Bryan Olano, at Prince Villanueva.

Sa Magkaagaw ay kay Sheryl siya umibig, sa Magpakailanman naman ay kay Ina; sa tunay na buhay ba ay puwedeng umibig si Jeric sa isang babaeng mas matanda sa kanya?

“Oo naman po. Puwede naman. Pero hindi ko po siguro ma-imagine na sobrang laki ng age gap, siguro five or ten years puwede.

“Kaya nga noong ginawa namin itong ‘Magkaagaw,’ challenge talaga sa akin kasi I respect Miss Sheryl so much, na to the point na sabi ni direk, ‘Tanggalin mo ‘yan, tanggalin mo yang respect na ‘yan! Hindi mo puwedeng gawin ‘yan.’

“Parang ganoon. So paano?

“Kasi, sweet ako kay Miss She, nirerespeto ko siya so, iyon kaya nagkaroon kami ng sensuality workshop.”

Twenty-seven years old si Jeric at 45 years old naman si Sheryl.

Oldest na nakahalikan ni Jeric in real life ay 4-5 years lamang ang agwat.

May pagkakaiba ba ang pakikipaghalikan sa isang cougar?

 

“Mayroon po, malaki. Kasi siyempre, experience po, experienced na ‘yung mas older and then mas naga-guide niya ako sa… at mas aggressive, mas parang anything is possible,” natatawang turing ng binata.

Pero mas gusto niya, bilang lalaki, na siya ang nagga-guide sa babae.

Sa eksenang lampungan nila ni Sheryl, mas dominante ang babae pero sa tunay na buhay, mas gusto ni Jeric na siya ang mas dominante o in control.

“Pero at times, okay din naman na ‘yung babae ang dominante, masarap din minsan na ‘yung babae ang dominante.”

 

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …