WALA raw alam ang seksing si misis tungkol sa totoo.
Ang paniwala niya, talagang pinaghandaan naman ng kanyang husband ang pagkakaroon nila ng pamilya kaya handa iyon sa lahat. Hindi alam ni misis na ang lahat ng paghahanda, at kahit na hanggang ngayon, ang pogi niyang mister ay suportado pa rin ng isang rich old gay na matagal na noong kaibigan at supporter.
In fact, ang rich old gay pa nga raw ang mas aligaga ngayon sa paghahanda sa panganganak ni misis. Feeling daw kasi ng matanda, siya ang manganganak. Kung sa bagay, iyang mga kuwentong ganyan ay hindi na rin naman bago sa mister niya. Noon pa may nababalitang ganyan.
Mukha rin namang sa pamilya nila ay talagang uso ang ganoong kalakaran. Mga pogi kasi ang lahi nila talaga. (Ed de Leon)