Friday , December 27 2024

Kulturang ‘turo-turo’ pinalalago ng MMDA (Sa ‘nakabubulagang’ yellow concrete barrier sa EDSA)

HINDI natin maintindihan kung bakit ganito ang attitude ng mga opisyal ng gobyerno, kapag punong-puno ng salto ang kanilang mga diskarte — ang sisisihin ang mga mamamayan.

Kamakailan, sinisi ni DILG Secretary Eduardo Año ang mga mamamayan na matitigas daw ang ulo kaya hindi napapatag ang kurbada ng pandemyang coronavirus (COVID-19).

‘Yan ay kahit halos apat na buwang ‘nakakulong’ sa loob ng bahay ang mga mamamayan dahil sa mahigpit na pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ), general community quarantine (GCQ), hanggang ngayong modified general community quarantine (MGCQ).

E ‘di siyempre, react to the max ang netizens, e bakit nga sisisihin ang mamamayan na walang ginawa kundi sundin ang mga patakaran sa community quarantine, sukdulang maging preso sa loob ng bahay at magtiis kumain ng ulam na de lata, tapos ngayon sila ang may kasalanan kung bakit hindi ma-flatten ang curve?

Ay kakaiba silang talaga! Magagaling silang magpayabong ng kulturang ‘turo-turo.’

Kaya katuturo, ipinagkakanulo sila ng tatlong daliri. Hindi nila alam na kapag itinuro nila sa iba ang hintuturo, tatlong daliri ang nakatutok sa kanila.

Ngayon, heto naman ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), kahit umabot na sa 31 vehicular accidents sa buwan ng Hunyo dahil sa yellow concrete barriers na ibinalandra sa Epifanio delos Santos Avenue (EDSA), ang sinisi pa ‘yung mga motorista?

‘Yung 31 vehicular accidents na ‘yan ay naganap sa pagitan ng 6:00 pm at 6:00 am mula 1 Hunyo hanggang 22 Hunyo 2020. Sa panahon na ang Metro Manila ay nasa general community quarantine.

Ayon kay MMDA Spokesperson Celine Pialago, kasalanan ng mga driver dahil hindi nila tiningnan maigi ang kalsada kaya hindi napansin ang yellow concrete barrier.

“Maiiwasan po ang aksidente kung tayo po ay mananatili lamang sa ating lane, hindi po tayo mag- overspeeding kapag madaling araw at ‘yun po ‘yung dahilan kung bakit nagkakabiglaan po sa mga nasabing concrete barriers.”  

‘Yan po ang justification ni Spokesperson Pialago.

Giit ni Pialago, “Wala po’ng kasalanan ang concrete barriers.”

“Inalis po natin ‘yung orange barriers kasi ito po nililipad kapag malakas po ‘yung hangin at ulan. Diyan po naiintindihan natin na mabubulaga po ‘yung mga motorista,” paliwanag pa ni Pialago.

Pero ‘yung concrete barriers, ahead of time, ay nakikita na dahil reflectorized daw.

O kita n’yo na?

Imbes imbestigahan kung bakit maraming naaaksidente, ang ginawa, sinisi agad ang mga motorista.

At hinding-hindi raw tatanggalin ang yellow concrete barriers dahil ang may kasalanan nga raw ay mga motorista.

Hello, Ms. Pialag0, naiintindihan mo ba ang sinasabi mo?!

Bakit hindi ninyo hingan ng feedback ang mga motorista para malaman ninyo kung ano ang problema?!

Hindi ‘yung ang paiiralin n’yo lang ang gusto ninyo kahit ang dami nang vehicular accidents?!

Alam mo bang napakapusyaw ng yellow concrete barriers  ninyo kaya’t hindi madaling makita?!

Bukod sa mapusyaw hindi pa regular na nililinis kaya nakulapol na ng alikabok ‘yang yellow concrete barriers na ‘yan. Maitim na, sa madaling sabi, kaya hindi na makita ng motorista.

Gusto rin nating tanungin, bakit hindi ‘glowing’ ang pintura ng concrete barrier (para malayo pa ay nakikita na ng mga motorista), anong pintura ba ang ginamit sa concrete barrier?!

        Bukod diyan, hinid rin naman dapat basta na lang nakabalandra ang barrier, dapat may mga nauunang palatandaan para magkaroon ng hint o clue ang mga motorista para makapuwesto patungo sa destinasyon.

        Hindi ‘yung mabubulaga na lang ang motorista na imbes kalsada ‘e concrete  barrier na pala ang nakaharap sa kanila.

        Ms, Pialago, Madam, lubusin na po ninyo ang pagharap-harap sa telebisyon. Sabihan ninyo ang mga bossing ninyo na inspeksiyonin mabuti ang mga concrete barrier na ibinalandra sa national road.

        Huwag na po sana ninyong hintayin na malalapit pa sa puso ninyo ang masalabid  diyan sa mga concrete barrier na ‘yan. E magsisis pa kayo.

        Tandaan po sana ninyo na kaya nagrereklamo ang mga motorista, kasi talagang hindi nakatutulong ‘yang mga gimik n’yo na ‘yan.

        Aba ‘e ayusin ninyo MMDA!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *