Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Voltes V, inspirasyon ni Michael V. sa Bubble Gang

ISA si Kapuso multi-awarded comedian and content creator Michael V. sa mga Pinoy na nahumaling at naging fan ng anime series na Voltes V noong dekada ’70. Unang ipinalabas sa GMA-7 ang series noong May 1978.

Hanggang ngayon ay malapit pa rin sa puso ni Bitoy ang Voltes V kaya naman hindi siya tumitigil na mangolekta ng mga laruan na hango rito. At upang ipakita sa lahat ang pagmamahal niya sa anime series, ikinuwento niya sa kanyang latest vlog na #BitoyStory 24: Voltes V kung paano nagsimula ang paghanga niya sa Japanese anime mecha sa pamamagitan ng isang kanta.

Ayon sa kanta ni Bitoy, “Noong unang panahon, panahon pa ni Makoy [Ferdinand Marcos], may isang batang ang pangalan ay Bitoy. Sa tenement sila nakatira, palagi siyang nakaupo sa harap ng TV nila. Mahilig maglaro kahit hindi laruan, kaya lagi na lang ako napapagalitan at para manahimik at hindi magkalat, bibitawan ko ang lahat kapag TV na ang katapat.

”Di ko malilimutan nung una kong napanood, pawis dahil sa paglalaro pero nawala ang pagod. May bagong palabas sa GMA ngayon ko lang nakita, si Voltes V, pero ‘di ko siya kilala. Ang lima naging isa, naging astig na robot pero spaceship siya kanina. Noon pa lang ako nakapanood ng ganon. W-T-F. OMG. Mindblown,” dagdag pa niya.

Bukod diyan, ibinahagi rin ni Bitoy na nagsilbing inspirasyon ang Voltes V para sa kanyang mga skit sa Bubble Gang. 

 

RATED R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …