PAGKATAPOS ng sinabi ng Binibining Pilipinas World winner noon na si Janina San Miguel sa inialok sa kanyang P3-M para sa isang one night stand, at P25-M kung siya ay papayag na maging girlfriend ng isang DOM, aba may sumunod pa. Sinabi rin ni Sophia Senoron, na naging Miss Multinational 2017 na siya man ay inalok ng milyong piso ng isang nanliligaw sa kanya, bukod pa sa offer ng ibang gusto siyang makasama.
Ang masakit, lumalabas pa ngayon sa isang serye sa Channel News Asia ng ang isang serye tungkol sa umiiral na prostitusyon sa mga beauty pageant sa Pilipinas. Sinasabi rin nila na hindi lang mga babae, pati mga lalaking title holders ay nakatatanggap din ng ganyang mga offer at marami ang pumapatol, lalo na nga ang mga lalaki.
HATAWAN
ni Ed de Leon