“PARANG donya na siya ngayon,” sabi ng isa naming source tungkol sa isang gay male star na sinasabing yumaman naman dahil sa kanyang naging matagumpay na negosyo. “Hindi na siya lumalabas ng bahay, dahil hinahatiran na siya roon ng mga ‘friend’ niya ng mga boylet na type niya,” sabi pa.
Pero ang hindi lang niya ma-take, iyong sinasabi raw ng “donya” na balak niyang magbalik sa showbiz ulit, at ang dahilan ay may gusto lang siyang maging ka-close na baguhang male star na mukhang type niya. Sinasabing badidang din naman sa tunay na buhay ang baguhang male star.
Sus, kumalat na nga ang corona virus dito sa atin dadagdagan pa nila.
(Ed de Leon)