Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ken Chan, may sorpresa para sa lucky fan

SA exclusive interview ng GMANetwork.com kay Ken Chan, ibinahagi ng Kapuso actor ang kanyang paghanga sa babaeng hindi takot magpahayag ng kanilang nararamdaman sa taong gusto nila.

 

“Sobrang bilib ako sa mga babaeng malakas ang loob na gumawa ng first move kapag mayroon silang isang tao na nagugustuhan. Kasi ako personally, bilang isang lalaki, duwag ako sa ganyan eh. Mahiyain kasi talaga ako. Hindi talaga ako ‘yung mag-a-approach kapag mayroon akong babaeng nagugustuhan.”

Samantala, masaya si Ken sa natapos na GMA Artist Center online dating game na E-Date Mo Si Idol noong June 11. Sa kanyang special online date, nagkaroon siya ng special dinner kasama ang kanyang masuwerteng fan na si Jana. Hindi lang ‘yan, may sorpresa pang regalo si Ken sa kanyang ka-date.

Ayon kay Ken, ipadadala niya ang suot niyang jacket, emoji pillow, at ilang skin care products kay Jana.

Ngayong Huwebes (June 18), ang Kapuso actress na si Shaira Diaz naman ang sasalang sa E-Date Mo Si Idol. Sino kaya ang lucky fan na magkakaroon ng pagkakataong maka-date online si Shaira?

Abangan ‘yan at 8:00 p.m., sa GMA Artist Center YouTube channel at GMA Network Facebook page!

 

RATED R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …