Tuesday , February 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lovi, Liezel, at Valeen, nag-agawan sa isang lalaki

LUMAKING nabiyayaan ng kagandahan si Racquel, pero hindi ng pagmamahal ng kanyang ama. Mas pinapaboran nito ang ibang anak at madalas sinasaktan si Racquel. Dahil dito, lumayas si Racquel at naging singer sa isang club sa probinsiya. Minsan pang pinagtangkaang gahasain ng isang grupo ng mga kalalakihan si Racquel. Mabuti na lang at may nagtanggol at nagligtas sa kanya, si Benjie.

Si Benjie ay anak ng isang mayamang businessman. Mabilis nahulog ang loob nila sa isa’t isa at naging magkasintahan. ‘Di lumaon, isinama ni Benjie si Racquel sa kanilang tahanan at inalok siyang tumira na roon. Pumayag naman agad si Racquel. Tila nakahanap na nga siya ng isang tapat at matinong lalaki.

Pero sa kanyang paglipat, nalaman niyang anak pala si Benjie sa kabit ng tatay nitong si Hilario. Ang legal na pamilya at ang pamilya ng kabit ni Hilario ay magkakasamang naninirahan sa ilalim ng iisang bubong! Tinanggap ni Racquel ang sitwasyon dahil sa pagmamahal niya kay Benjie. Hindi man siya gusto ng nanay ni Benjie na si Nilda, naging malapit naman sa kanya ang legal na asawa ni Hilario na si Helen. Nang mabuntis na si Racquel, unti-unti namang lumabas ang tunay na kulay ni Benjie–na tulad ng tatay nitong si Hilario ay isa rin palang babaero.

Dahil sa payo ni Helen at para na rin sa kanyang naging anak, nanatili si Racquel sa pamamahay nina Benjie. Pero hindi niya rin natagalan ang sitwasyon at lumayas na siya. Hindi naman ibinigay sa kanya ni Nilda ang kanyang anak. Makalipas ang ilang buwan, nagbalik si Racquel sa kagustuhang muling makapiling ang anak. Hanggang sa nalaman niyang may bago na naman palang iniuwing babae si Benjie na kasama nilang maninirahan nina Marlene at Benjie!

Ngayon, tatlong babae na silang naghahati sa iisang lalaki, magkakasamang naninirahan sa ilalim ng iisang bubong, patuloy pa nga bang magpapakamartir si Racquel? O mahahanap na niya ang tapang at respeto sa sarili para layasan ang masalimuot na sitwasyon kasama ang kanyang anak?

Ang Asawang Naging Kabit ay pinagbibidahan ni Lovi Poe, kasama sina Rafael Rosell, Valeen Montenegro, Jenine Desiderio, Maria Isabel Lopez, Liezel Lopez, Marika Sasaki, Ollie Espino, at Marithez Samson.

Alamin ang kabuuan ng kontrobersiyal na kuwento ni Racquel ngayong Sabado ng gabi sa Magpakailanman.

Ang Asawang Naging Kabit ay idinirehe ni Adolf Alix Jr., sa panulat ni Vienuel Ello at pananaliksik ni Loi Argel Nova. Mapapanood ngayong Sabado, September 22, sa programang nagpapakita ng tunay na kuwento ng mga totoong tao, Magpakailanman. Sa bago nitong oras, 8:30 p.m., pagkatapos ng The Clash.

 

RATED R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Cristina Decena

Negosyanteng si Cristina nasa bucket list makasakay ng MRT

RATED Rni Rommel Gonzales KAHIT maituturing na isa na siyang milyonarya (o bilyonarya) napakasimple ng …

Boots Anson-Roa King Rodrigo Pete Roa Until She Remembers

Boots aminadong napakahirap pagkawala ng unang asawa 

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKUWENTO ang beteranang aktres na si Ms. Boots Anson-Rodrigo tungkol sa minsang pag-uusap …

Sharon Cuneta BBM Leni Robredo

Sharon sa pagkikita nina PBBM, Robredo: Walang plastikan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez WALANG plastikan. Ito ang nasabi ni Sharon Cuneta ukol sa pagkikita nina Pangulong Bongbong …

Dingdong Dantes Leni Robredo

Dingdong tinanggap paghingi ng paumanhin ng netizen: maging mas mapanuri

I-FLEXni Jun Nardo TINANGGAP na lang ni Dingdong Dantes ang apology ng isang netizen na nag-post ng …

Alvin Aragon

Alvin nakasasawa na walang humpay na pagputak

I-FLEXni Jun Nardo NAKAUUMAY na ang dakdak nitong Alvin Aragon. Parang isang inahin na bagong nangitlog …