Monday , December 23 2024

Gabby Lopez, handang bitiwan ang pagka-Amerikano

NANG tanungin kung nakahanda siyang bitiwan ang kanyang karapatan bilang isang American citizen para wala na lang maging usapin pa sa ABS-CBN, sinabi naman ni Gabby Lopez na walang problema iyon kung talagang kailangan. Pero iginiit niya na sa buong buhay niya, hindi naman kasi naging issue ang kanyang pagiging dual citizen. Iginigiit din niyang halos buong buhay niya, itinuring niya ang kanyang sarili na isang Filipino.

Pero medyo natagalan nga nang hamunin siya ni Congressman Dante Marcoleta na bigkasin ang Panatang Makabayan. Hindi naman siguro dahil hindi niya alam, kundi inisip niya na baka gawing issue na naman iyon. Kasi ang sinasabi sa panatang makabayan, “Iniibig ko ang Pilipinas. Ito ang aking lupang sinilangan.” Eh maliwanag namang sinasabi na sa US siya ipinanganak, kaya nga dual citizen siya.

Nagkataon kasi na magkaiba ang prinsipyong sinusunod ng ating Constitution. Ang naging panuntunan ng Pilipinas ay ang prinsipyong “jus sanguinis” o batay sa dugo, na kopya sa prinsipyo ng mga Kastila, kaya dahil ang kanyang mga magulang ay kapwa Filipino, Filipino siya. Pero isinilang nga siya sa US, na ang prinsipyong sinusunod ay “jus solim” o ang lupang sinilangan, kaya Kano rin siya.

Hindi puwedeng ikompara iyan sa kaso ni Senador Grace Poe, na hindi tiyak kung sino ang mga tunay na magulang. Basta nakuha siya sa Iloilo, at may presumption na ang kanyang mga magulang, o isa man sa mga iyon ay Ilonggo. Filipino. Nag-American Citizen siya, dahil ang asawa niya ay American citizen. Ang anak niya ay American citizen din dahil doon ipinanganak. Pero senador siya at muntik pang maging presidente ng Pilipinas, pero hindi sinuri nang ganyan kahigpit ang kanyang citizenship at nakuwestiyon ang kanyang allegiance.

Nabanggit din si Edu Manzano, na Filipino ang mga magulang, pero naglingkod sa US Air Force at dahil doon ay naging qualified na maging American citizen. Nagamit niya ang pribilehiyo nang siya ay humingi ng divorce, naging vice mayor siya, tumakbo pang vice president, at congressman pa ulit pero hindi naging kuwestiyon iyang allegiance.

Ang may problema at dapat amyendahan ng Kongreso ay ang batas, na hindi maliwanag kung ang isang Filipino, basta dual citizen ay hindi rin maaari magmay-ari ng media company.

 

HATAWAN
ni Ed de Leon

About Ed de Leon

Check Also

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Vilma Santos

Vilma pumalag ginagamit ng isang pekeng gamot online

HATAWANni Ed de Leon GUMAWA na po ng statement ang Star For All Seasons na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *