SA pamamagitan ng e-mail ay nakapanayam namin si Bianca Umali.
Isa sa naging topic namin ay kung ano ang limang bagay na ipinagpapasalamat niya ngayon sa kabila ng Covid-19 pandemic.
“Love. Family. Work. Time. Self-love,” ang pag-e-enumerate ng magandang Kapuso actress.
Sino ang una niyang yayakapin pagkatapos ng community quarantine at hindi na ipinaiiral ang social distancing?
“My lolas :)”
Ano ang una niyang kakainin sa labas pagkatapos ng community quarantine?
“Pizza! Chicken wings! Milktea,” ang bulalas pa ni Bianca.
Ano ang unang bagay na bibilhin niya pagkatapos ng community quarantine?
“Disinfectants!”
Ano ang unang lugar na pupuntahan or bibisitahin pagkatapos ng community quarantine?
“Family and work.”
Gustong-gusto nang makita ni Bianca ang kanyang mga kamag-anak at kaibigan, at siyempre pa, gusto na niyang muling magtrabaho sa taping at shooting bilang isang Kapuso.
Ano ang mga realization o natutuhan niya sa gitna ng pandemic?
“Appreciate the simplest of things. Every second of life counts. Be kind.”
Ano ang precautionary measures na gagawin ni Bianca kapag ipinatawag na ulit sila upang magbalik-trabaho?
“To strictly practice social distancing, proper hygiene and health and mental awareness.”
RATED R
ni Rommel Gonzales