NAALALA namin ang kuwento ng isang kilalang showbiz gay noong araw. Nakilala niya ang matinee idol na hindi pa naman sikat, sa isang coffee shop sa Timog. Nagkasundo naman sila at ang kasunod ay nag-date na nga. At ang sabi ng comedian, “binayaran ko siya noon ng P7,000.”
Ngayon maugong na maugong na naman ang tsismis tungkol sa matinee idol. Wala pang bukas na coffee shop, kaya nag-oorder na lang siya ng “take out” tapos doon siya nagpapalipas sa open space sa harapan mismo ng coffee shop na nasa roof top ng isang high end mall. Doon naman niya hinihintay ang mga may gustong “mag-take out” sa kanya.
Kawawa naman kasi siya talaga. Matagal na siyang walang trabaho. Iyong savings niya, naipuhunan pa niya sa isang negosyong palpak dahil mali ang kanyang managers. Hanggang hindi naibebenta ang iba niyang properties, saan nga naman siya kukuha ng pera, at siguro ang naisip nga niya ay pinakamadaling paraan ang “take out.” pero hindi ba niya naisip na sa panahong ito ay mahalaga ang social distancing? Delikado iyang pagpapa-take out ngayon.
(Ed de Leon)