SOBRA-SOBRA ang pag-aalala ni Aicele Santos sa kanyang kapatid na frontliner.
Kuwento ni Aicelle, isang healthcare worker ang kapatid niya sa UK kaya naman hindi maiaalis sa kanilang pamilya na mag-alala.
“Hindi maalis sa amin, sa buong pamilya namin na mag-alala. Kumusta ba ‘yung kalagayan niya? Halos araw-araw ipinapaalala namin na doble ingat. We’re very very proud kasi ‘pag sinabi mong frontliner, health worker, karamihan po riyan Pinoy talaga. At ‘yung sakripisyong ginagawa po nila ay napakalaking bagay kaya maraming salamat po.”
At dahil mahalaga kay Aicelle ang mga frontliner, hinandugan niya ang mga ito ng isang soulful rendition niya ng awiting Tuloy Tuloy Lang nang mag-guest siya sa Unang Hirit kamakailan.
Aniya, bagay na bagay ang kantang ito sa panahon na kinakaharap natin ngayon para magbigay-inspirasyon at pag-asa sa ating mga kababayan.
“Noong dumating na nga itong pandemya, binalikan ko ‘yung kanta. Sabi ko, ‘Tamang-tama ‘yung mensahe niya, very timely. May pag-asa at liwanag sa bandang huli.’”
RATED R
ni Rommel Gonzales