Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

‘Terror law’ nakalusot sa kongreso (Kulang na lang ng pirma ni Duterte)

MAS MASAHOL pa sa Human Security Act of 2007 kung maisasabatas ang panukalang Anti-Terror Law kaya’t mas angkop pang tawagin itong Panukalang Teror o Terror Bill.

Inihayag ito kahapon ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) kaugnay ng pinaspasang Anti-Terror bill na lumusot sa Kongreso kagabi at ihahain kay Pangulong Rodrigo Duterte para lagdaan at maging ganap na batas bukas.

Binigyan-diin ng NUJP sa kanilang pahayag na gagamiting instrumento ng isang despotikong gobyerno ang panukalang Anti-Terror law upang busalan ang bibig ng mga kritiko at maging ng mamamayan sa kabuuan.

“Bagamat lahat tayo’y sumasang-ayong mahalaga ang paglaban sa terorismo at kailangan ng pakikilahok at kooperasyon ng bawat isa, pinaninindigan namin na ang nasabing panukalang batas ay lantad sa pang-aabuso ng mga despotikong gobyerno upang isagawa ang terorismo laban sa mga kritiko at sa mamamayan sa pangkalahatan,” anang NUJP sa kalatas.

Anila, kung pagninilayan ang isang batas na lalaban sa terorismo, pinakamahalagang dapat isaalang-alang ang paggalang at pagtatanggol sa karapatang pantao.

Giit ng NUJP, kasing sama man ng Human Security Act of 2007 ang panukalang batas na ito, magiging mas masahol pa ito kung maisasabatas, kaya’t mas angkop pang tawagin itong Panukalang Teror o Terror Bill.

Hindi lamang anila lilikhain ng panukalang batas ang isang “Konseho Laban sa Pananakot o Anti-Terror Council” na may kapangyarihang magtalaga, sa ‘maaaring dahilan’ lang, sa mga tao o maging sino man bilang mga terorista o grupo ng mga terorista.

Pinapayagan din nito ang Anti-Money Laundering Council (AMLC), na kasapi ng ATC, na pigilin ang mga ari-arian ng mga tao o grupo, nang walang ibinibigay na pagkakataon sa kanila upang ipagtanggol ang sarili at ipagkaila ang anomang impormasyon laban sa kanila.

“Mas masama pa, pinapayagan ng panukalang batas ang ATC na magkaroon ng kapangyarihang ikulong nang walang mandamiento de arresto na aprobado ng hukuman ang mga suspek nang hanggang 14 na araw, at maaari pang pahabain ng 10 araw,” dagdag ng NUJP.

Malinaw anilang paglabag ito sa iginagarantiya ng Saligang Batas sa nararapat na proseso at naglalaman ng pangungubabaw sa kapangyarihang panghukuman.

Mas magiging malala anila ang impunidad na karamihan sa mga batas at karapatan ay nilalabag ng mismong mga sumumpang poprotektahan at itataguyod ito sa pamamagitan ng pagtatanggal ng mahihigpit na parusang inilaan upang mahadlangan ang pang-aabuso sa pinakadambuhalang hakbang ng panukalang batas, ang labas sa kapangyarihan ng hukuman na pag-aresto at pagkulong sa mga suspek.

Partikular umanong malalagay sa panganib ang mga prinsipyo ng kalayaan ng pamahayagan at pagpapahayag sa Seksiyon 9 na tumutukoy sa krimen ng pang-uudyok ng terorismo, na maaaring maisagawa ‘sa pamamagitan ng mga talumpati, proklamasyon, sulatin, sagisag, balatengga o iba pang mga representasyong tulad nito’ na mapaparusahan ng 12 taon sa kulungan.

Maaari anilang lagyan ng malawak na aplikasyon tulad nito at ng mga ginamit ng mga nakaraang administrasyon, ang mga umiiral na pagkakasalang pang-uudyok ng sedisyon at rebelyon upang durugin ang malayang pagpapahayag at takutin ang mga kritiko.

“Ang epekto, ang pag-ulat ng mga tao at grupong itinuturing na terorista, o kahit na pag-uulit lang ng sinabi nila, ay maaari nang mangahulugang pang-uudyok sa terorismo, “sabi ng NUJP.

Matatandaan, maging ang ilang kritikal sa administrasyon na mamamahayag ay nakaranas na mabansagang komunista at terorista ng mga awtoridad kaya’t posibleng makasama sila sa target na ‘patahimikin’ gamit ang panukalang batas. (ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …