MAY anim na teleserye ng ABS-CBN na magte-taping na ulit, tapos biglang lumabas ang logo ng ABS-CBN sa frequency ng Channel 2. Pero hindi nangangahulugan iyan na balik na ang ABS-CBN. Iyong mga serye nila, maaaring ipalabas sa mga cable at digital channels. Iyan namang logo ng ABS-CBN, pagpapahayag lang iyon na ang frequency na ginagamit nila sa kanilang on the air broadcast ay kontrolado pa rin nila.
Gusto rin naming mapanood na muli ang ABS-CBN, on the air, pero hindi ganoon kadali iyon.
HATAWAN
ni Ed de Leon