HABANG naka-house quarantine at nasa loob lang ng bahay ang Viva star na si Phoebe Walker, may mga ilang bagay siyang pinagkaabalahan.
Ilan dito ang pag-aaral ng kanyang script para sa susunod niyang proyekto na kailangan nilang mag-Korean at Pangasinense.
Ayon nga kay Phoebe, “Habang nasa bahay lang ako ay may inaaral akong scripts na iba ang dialect kaya tama po ang pahinga para maka- concentrate rin kasi Pangasinense and Korean ‘yung script po.”
Na sinasabayan nito ng pag-eehersisyo para mapanatili ang kanyang sexy body at mas maging healthy.
“Nag e-exercise rin ako, nagluluto, naglilinis ng bahay. Need magpaka- busy and gamitin ang time sa mahahalagang bagay tulad ng bonding sa pamilya at pag-aalaga sa sariling katawan at isip na hindi masyado nabibigyang halaga rati,” ani Phoebe.
Marami rin siyang na-realize sa mga nangyari dulot ng Covid-19.
“Parang ang daming realizations na you take it for granted pala na natutuhan ko habang nasa bahay lang ako at dahil na rin sa paglaganap ng covid-19 sa Pilipinas at sa buong mundo.
“Ilan sa na-realize ko ang pagkakaroon ng oras para sa pamilya, dapat may time para mag-uusap-usap, magkuwentuhan at hindi puro trabaho lang, kumustahin mo ‘yung mga mahal mo sa buhay at kaibigan.
“Pati na rin ang strengthening faith po, dahil sa mga panahong ganito siya lang (God) ‘yung puwede nating kapitan.”
Umaasa si Phoebe na maaayos din ang lahat at babalik sa rating sigla at saya ang Pilipinas at buong mundo, basta sabayan lang ng dasal sa Poong Maykapal.
MATABIL
ni John Fontanilla