Saturday , May 17 2025

Nate Dela Cruz, itinanghal na Mister QuaranTEEN Cebu 2020

MATAGUMPAY ang naging pagtatapos ng Mister QuaranTEEN Ambassador Cebu 2020 last Mayo 15, 2020 na itinanghal na grand winner si Nate Dela Cruz ng Argao. Ang 1st runner up naman ay si Brylle Canada ng Naga; 2nd runner up si Bran Caballes ng Guadalupe; at 3rd runner up si Lance Sebastian ng Lapu-Lapu.

Nanalo rin bilang Best Audience Choice Awardee si Sam Panonce ng Lahug habang nakuha ni Lance ang Best in Casual & Sports Wear at Cebu Original Lechon Belly Teen Ambassador Award.

Nakakuha ng matinding attention ang naganap na question and answer portion sa mga candidate na maraming pakulo ang nangyari katulad nang paglabas bilang online panel of questioner ang GMA7 comedian na si Betong Sumaya.

Umani rin ng magagandang reaksiyon ang kompetisyon mula sa mga nakapanood nito.

Gustong pasalamatan ng Cebu Young Talent ang mga sponsor, online judges, panel of online questioners, at mga candidate.

“Ako po ay lubos na nagpapasalamat sa malaking tiwala at suporta na ibinigay nila, kung hindi dahil sa kanila ang event ay hindi magiging possible at matagumpay,” anang CYT.

Malaki rin ang pasasalamat ng mga candidate.

“Dahil sa online pageant na ito, na-boost ‘yung self confidence ko at maraming salamat sa manager namin na si Johndro A. Sabuero sa paghikayat sa akin na sumali. Gusto ko ring magpasalamat sa lahat ng sumuporta sa akin. Over all, it was indeed a great experience.”sambit ni Lance.

May mangyayaring second wave ng online pageant para sa mga 18-21 years old naman ang magiging kalahok.

Sa mga gustong sumali pwede kayo mag-send ng message sa official fanpage ng Cebu Young Talent sa Facebook.

 

MATABIL
ni John Fontanilla

About John Fontanilla

Check Also

Rufa Mae Quinto

Rufa Mae sa Pilipinas muli maninirahan

MA at PAni Rommel Placente HINDI biro ang mga pinagdaanang pagsubok ng komedyanang si Rufa …

Ahtisa Manalo

Ahtisa nakakuha ng 7k votes sa Quezon (Kahit nag-withdraw na)

MATABILni John Fontanilla BAGAMAT nag-withdraw sa kanyang kandidatura bilang konsehal sa Candelaria, Quezon ang Miss …

VMX Karen Lopez

Missing Vivamax star lumutang na, nagpaliwanag sa socmed account

SA ANUNSIYO ng Quezon City Police District (QCPD) na kanilang iimbestigahan ang sinasabing pagkawala ng …

Alex Gonzaga Mikee Morada

Alex sobra-sobra ang saya, Mikee vice mayor na ng Lipa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “MARAMING, maraming salamat sa mga kababayan namin sa Lipa sa tiwalang …

Willie Revillame

Willie olats na sa politika, wala pang show na babalikan

MA at PAni Rommel Placente KUNG may mga artistang pinalad manalo sa katatapos na midterm …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *