Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Betong, ‘nabuhay’ sa mga ayuda ng mga kaibigan

MALAKI ang pasasalamat ng Kapuso TV host-comedian Betong Sumaya sa celebrity couple na sina Paolo Contis at LJ Reyes para sa “ayuda” nitong pagkain na personal na iniabot ng aktor sa kanya.

Kuwento ni Betong, regular ang pagbibigay ng pagkain nina LJ at Paolo simula ng ipatupad ang enhanced community quarantine dulot ng Covid-19 pandemic.

Ikinuwento ito ng komedyante sa ipinost niyang video sa Instagram ukol sa pagkikita nila ni Paolo.

“’Mayor Paolo Contis’ at First Lady LJ Reyes’ maraming salamat ulit sa ‘ayuda.’ God bless you always,” caption ni Betong sa kanyang IG post.

Samantala, sa panayam ng GMA kay Betong, sinabi niyang sa panahon ng kagipitan at krisis tulad ngayon ay mas makikilala ng tao ang mga tunay na nagpapahalaga sa kanila lalo na’t nag-iisa lang siya sa kanyang bahay.

“Sa panahon ng kagipitan doon mo makikilala ang mga tunay mong kaibigan.

“Ako, I’m so thankful na hindi man lang ako humingi ng tulong sa mga kaibigan ko, mga kapwa ko artista, nagbigay sila ng tulong sa akin.

“Pinadalhan nila ako ng pagkain kahit hindi ako humihingi. So I’m so thankful sa mga masasabi kong mga angel ko,” pahayag ni Betong.

At hindi lang pala si Paolo ang nagbigay ng ayuda sa kanya, pinadalhan din siya ng pagkain nina Boy 2 Quizon, Kakai Bautista, Aubrey Carampel, Susan Enriquez, at Boobay.

“Unexpected. Sina Paolo Contis, Boy 2 Quizon, Divine, Kakai Bautista, Aubrey Carampel, Susan Enriquez, Boobay.

“Nakatulong sila sa akin, sobrang laking tulong dahil sa mga pinadadala nilang pagkain eh, talagang parang nadugtungan ‘yung panahon na iniisip ko kung ano ang uulamin ko. Sobrang thankful ko talaga sa kanila,” pahayag pa ng komedyante.

 

MATABIL
ni John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …