Sunday , January 12 2025

Robin at Mariel, ‘di naawat para ipaghanda si Gabriela

NAG-CELEBRATE ng six months birthday ang anak nina Robin Padilla at Mariel Rodriguez na si Gabriela. Siyempre hindi mo naman sila maaawat kung gusto nila ng celebration. Pero hindi naman sila nagpa-party. Walang maraming tao. Walang inuman. Hindi nila minananita si Gabriela. Simple lamang handa at sila lamang buong pamilya ang naroroon.

Ang biruan nga lang, baka naman may pumansin pa sa kanilang group picture ay wala silang “social distancing” kasi magkakayakap sila. Wala pa silang face mask.  Pero isang pamilya naman sila. Sigurado rin naman sila na walang may Covid-19 sa kanila.

Iyang mga ganyang family gathering, hindi mo naman masasabing bawal iyan. Ang bawal ay iyong may ibang tao, lalo na nga at maliwanag na lumalabag sa tamang protocols kagaya ng curfew o ng liquor ban, social distancing at gamit ng face mask. Eh kung iyon pinalulusot eh, iyan pa bang celebration lang ng pamilya ang hindi?

 

 

HATAWAN
ni Ed de Leon

About Ed de Leon

Check Also

Keempee de Leon Joey de Leon

Keempee at Joey nagkaiyakan, nagkapatawaran 

RATED Rni Rommel Gonzales MATAGAL nang hindi nag-uusap sina Keempee de Leon at ama Joey …

Kathryn Bernardo Mommy Min

Kathryn madamdamin mensahe sa ina

MATABILni John Fontanilla EMOSYONAL ang mensahe ni Kathryn Bernardo sa pagseselebra ng kaarawan ng kanyang …

Maris Racal Anthony Jennings

Maris, Anthony nagpakita na sa publiko

LUMANTAD na noong Martes, Enero 7 sina Maris Racal at Anthony Jennings sa isang fan …

Rufa Mae Quinto NBI

Rufa Mae sumuko sa NBI

DUMIRETSO agad sa National Bureau of Investigation (NBI) si Rufa Mae Quinto pagkarating ng Pilipinas …

Vic Sotto Darryl Yap

Vic Sotto idedemanda si Darryl Yap

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KAKASUHAN daw ni Vic Sotto ang kontrobersiyal na direktor, si …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *