MUKHANG talagang nagulat si Angel Locsin doon sa announcement ng gobyerno na hindi magkakaroon ng mass testing dahil umano sa hindi sasapat ang mga testing kit. Sa halip, inutusan nila ang pribadong sektor na siyang mangasiwa sa mass testing kung gusto nila. Eh iyang mass testing, iyan ang talagang kailangan para malaman kung gaano na kalawak ang epekto ng Covid-sa ating bansa. Habang walang mass testing, para lang iyang hula ni Hanz Cua.
Iyang si Angel, noon pa ay advocate na ng mass testing, kasi iyon ang kailangan talaga. Ganoon ang ginagawa sa ibang mga bansa na napababa ang curve ng Covid-19. Iyon ang inaasahan din niyang gagawin dito sa atin, pero wala nga pala.
Parang kinakapos din ang gobyerno na hindi mo maintindihan kung bakit, samantalang napakalaki naman ang ginagawang ayuda ng pribadong sektor sa mga trabaho sana ng gobyerno, lalo na sa pag-ayuda sa mga mamamayang nawalan ng trabaho at nagugutom na dahil sa lockdown.
Hintayin na lang natin kung ano kalalabasan niyan. Anyway, may mass testing naman ang Red Cross, iyon nga lang may bayad iyon.
HATAWAN
ni Ed de Leon