Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tatanghaling Dormitory Academy Online Season 2 Summa Cumlaude, inaabangan

DAHIL naka-quarantine ang lahat, dumagsa ang mga contest sa social media. Pati ang audtion para maging ganap na artista ay idinadaan na rin sa social media.
Ilan dito ay ang  talent search ng SMAC Television Production Inc., 2nd season ng Dormitory Academy na ang first winner ay si JB Paguio na after manalo ay nagkasunod-sunod ang proyekto.
Napasama siya sa teen show ng IBC 13 na Bee Happy Go Lucky, sa teleseryeng The Prodigal Prince ng Net 25 at Bukas May Kahapon ng IBC 13 na na-nominate siya for Best New Actor sa Star Awards For Television at nakasama rin siya sa musical variety show ba SMAC Pinoy Ito! sa IBC 13 at sa bagong Yes Yes Show noontime show at correspandents ng Dormitory Academy Season 2.
Sa Dormitory Academy Season 2 ay kakaibang task naman ang gagawin ng makakasali sa tulong ng kanilang professors na sina Kapamilya stars Sharleen San Pedro, Jimboy Martin, at Karen Reyes  Hosted by Mateo San Juan at Justin Lee kasama rin si Michael Drix bilang correspondents at napapanood sa FB Page ng SMAC Facebook Page.
Mula sa 100 to 36 ay 20 na lang ang natitirang maglalaban- laban para tanghaling Dormitory Academy Online Season 2 Summa Cumlaude. Sino-sino kina Earl, Oliver, John, MC, Crisjean, Ernest, Cristina, Psalm, Aaliyah, Brian, Francis, Jmester, Koby, Samantha, Seki, Asher, Jeremey, Kenji, Justin, at  Wendylee ang magwawagi?

 

 

MATABIL
ni John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …