ni Ed de Leon
Shooting pwede na, pero saan ipalalabas?
NAGPALABAS ng guidelines ang Film Development Council of the Philippines
(FDCP), kung paano gagawin ang shooting ng mga pelikula sa panahong ito ng lockdown. Sinabi pa nilang hindi dapat na hihigit sa 50 tao ang involved sa shooting. Hindi maaaring mag-shoot ng mga eksenang may malaking crowd dahil sa social distancing.
Pero natawa nga kami dahil napag-isipan nila agad ang gusto nilang ipatupad na guidelines sa shooting ng pelikula, samantalang hindi pa nila naiisip kung saan nga ba maupalalabas ang mga pelikulang iyan dahil sarado pa naman ang mga sinehan. Ang dapat isipin niyang FDCP, paano maipalalabas ang mga pelikula para gumalaw ang industriya? Kung wala namang sinehan, sino ang gagawa ng pelikula? ‘Di wala rin. Wala pa ring trabaho ang mga manggagawa. Eh ano iyon? Para mong sinabi. “hoy may pagkain na riyan, pero bawal mong isubo ha.”
HATAWAN
ni Ed de Leon
ni Ed de Leon