Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Coco, inuulan ng black propaganda

EWAN kung matatawag na nga rin ba iyong “black propaganda.” Marami kaming nakikita ngayong kopya ng video ni Coco Martin, habang gumagawa ng pahayag laban sa pagpapasara ng ABS-CBN, pero ang mga iyon ay medyo binago dahil side by side, sa isang split screen ay ipinakikita naman ang mga sex scene na ginawa ni Coco noong araw sa mga gay indie film na kanyang ginawa.
Isang kakilala namin na talagang fan yata ni Coco noong araw, kahit noong panahong gumagawa pa nga siya ng gay indies bago naging si Cardo Dalisay, ang nagsabi sa amin na ang mga bold clip ay galing sa dalawang magkaibang pelikula. Sinasabi nga nila, tatlo lang naman ang mga pelikulang bold na iyon na nagawa ni Coco, at ewan kung pinagsisisihan na rin niya ngayon na gumawa pa siya ng ganoong pelikula na binayaran lang naman siya ng barya.
Minsan nangyayari talaga ang ganyan. May mga pelikulang nagagawa ang isang baguhang artista sa paniwalang doon siya sisikat, pero pagdating ng araw ay ginagamit naman ng mga kalaban nila para siraan sila. Unfair naman para kay Coco ang nangyayari. Nagpahayag lang siya ng kanyang saloobin tungkol sa kanyang network, hindi naman dapat na ipamumukha sa kanya ang mga pelikulang nagawa niya noong panahong nagsisimula pa lamang siya.
Hindi naman masasabing hindi siya mahusay na actor dahil sa mga pelikulang iyon. Hindi rin naman masasabing nasira ang kanyang kredibilidad at hindi siya dapat paniwalaan dahil lamang sa mga nagawa niyang mga gay indie. Pero bakit nga ba pinipilit ng mga nagagalit sa kanya na ilabas iyon sa social media side by side sa kanyang pahayag tungkol sa kanyang network? Hindi rin naman ang kanyang network ang gumawa ng mga pelikulang iyon, kundi mga independent companies na wala na rin ngayon.
HATAWAN
ni Ed de Leon
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Bianca Gonzalez

Bianca kinontra ng fotog reklamo sa Siargao

I-FLEXni Jun Nardo UMARAY din nitong nakaraang araw si Bianca Gonzales. Tungkol naman ito sa mahal …

Andrei Yllana Aiko Melendez Onemig Bondoc

Andrei suportado relasyong Aiko at Onemig

MATABILni John Fontanilla ALAM ng teen actor na si Andrei Yllana ang kumakalat na issue sa kanyang …

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …