Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

SONNY PARSONS INATAKE, PATAY!

NAMATAY si Sonny Parsons habang nasa klinika nang isugod doon matapos atakihin sa puso. Tinangkang kabitan si Sonny ng oxygen subalit hindi na rin iyon nakatulong para iligtas siya.
Sinasabing inatake si Sonny habang sakay ng kanyang motorsiklong BMW R1200GS, papuntang Quezon. Naganap ito bandang 1:00 p.m., Linggo, Mayo 10, sa bandang Lemery, Batangas.
Limang oras nang bumibiyahe si Parsons nang atakihin.
May suspetsa ang marami na ang matinding init ng panahon at pagod ang dahilan ng atake ni Sonny. Siya ay 61 years old. Hindi na siya umabot sa ika-62nd birthday niya, na sa Miyerkoles sana, Mayo 13.
Bukod sa pagiging member ng kilalang grupong Hagibis, si Sonny ay kinikilala ring isang action star at nakagawa na ng maraming pelikula. Huli siyang napanood sa ilang episodes ng Ang Probinsyano noong 2017. Si Sonny ay naging konsehal din ng Marikina City, at siya ang nagtatag ng isang samahan ng mga motorcycle riders na tumutulong sa panahon ng mga kalamidad at ibang emergency.
Si Sonny, na Jose Parsons Nabiula sa tunay na buhay ay anak ng isang champion swimmer. Ang tatay niya, si Col. Charles Parsons Nabiula ay lumaban sa Olympics noong 1956 at pagkaraan ay naging pangulo ng Philippine Amateur Swimming Association.
Ayon sa huling detalye, ang labi ni Sonny ay dadalhin sa Maharlika Village sa Taguig. Muslim ang pamilya at si Sonny kaya roon ililibing ang singer/aktor.
HATAWAN
ni Ed de Leon
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …