Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mister QuaranTEEN Ambassador sa Cebu, umaarangkada na

DAHIL sa umiiral na Enhanced Community Quarantine at sa patuloy na pagtaas ng kaso ng Covid-19 sa Cebu, nagsagawa ng online pageant ang Cebu Young Talent entitled Mister QuaranTEEN Ambassador para sa mga bagets edad 14 hanggang 17 na magmumula sa iba’t ibang lugar sa Cebu.

Ang online pageant ay ginawa para mabigyan ng karagdagang entertainment ang mga Cebuanos at upang mapanatili ang pagtigil sa bahay para sa kaligtasan ng lahat. Isa rin itong paraan para maibsan ang kalungkutan at takot na nararamdaman ng ating mga kababayan.

Ang pageant ay nagsimula noong May 3 na opisyal na ipinakilala ang mga kalahok na sina Lance Sebastian ng Lapu Lapu; Sam Panonce ng Lahug, Cebu City; Bran Caballes ng Guadalupe, Cebu: Bryan Acuna ng Naga, Cebu; Nate Dela Cruz ng Argao, Cebu; Brylle Canada ng Naga, Cebu; Nicolais Buante ng Liloan, Cebuat Kenji Ministero ng Mango, Cebu.

May mga iba’t ibang exposure ang mga bagets katulad ng Introduction and Statement noong May 5; Casual and Sports Wear noong May 8; Question and Answer sa May 12; at Awarding sa May 13 na may kasamang pakulo at sorpresa online.

Lahat ng mga exposure at segment sa pageant gagawin lahat habang naka-stay at home. Abangan din natin ang mangyayaring Question and Answer sa mga bagets; na sasagutin nila ang mga katanungan na magmumula sa iba’t ibang personalidad, public officials, at mga artista. Masasaksihan lamang ito sa official facebook page ng Cebu Young Talent.

Ang mga magwawagi ay makatatanggap ng cash prizes at gift packs mula sa mga sponsor. Kaya abangan natin kung sino sa mga bagets ang magwawagi bilang kauna-unahang Mister QuaranTEEN Ambassador sa Cebu!

 

 

MATABIL
ni John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …