HINDI kami pabor doon sa mga basher na nagsabi kay Bela Padilla na “magtinda ka na lang ng barbecue.” Maaaring ang kanyang opinion ay taliwas sa opinion ninyo, pero hindi naman dapat ganoon. Bakit ano ba ang nasabi ninyo noong nagsisimula iyang pandemic at lumikom si Bela ng ilang milyon mula sa kanyang mga kaibigan at sa kanya mismong bulsa para matulungan ang mga frontliner?
Tapos sa lahat ng ginawa niyang mabuti, nalihis lang sa opinion ninyo sasabihan ninyong “magtinda na lang ng barbecue.” Mali naman kayo roon.
HATAWAN
ni Ed de Leon