ILAN ang mga composer, arranger, at session musician sa Pilipinas, bukod pa sa mga singer? Wala na iyan dahil bawal ang mga concerts ngayon. Walang music lounge, walang comedy bars at iba pa.
Ilan ba iyang mga writer, director, artista, crew, mga post production people, mga tauhan ng sinehan at iba na wala ring trabaho ngayon dahil sarado ang lahat ng sinehan?
At hanggang kailan mananatili iyang ganyan? Patay na ang entertainment industry sa ating bansa. Irrelevant na rin iyang mga ahensiyang gaya niyang Film Development Council of the Philippines (FDCP), dahil ano ang gagawin nila wala namang pelikula? Wala na rin iyang Film Academy, wala ngang pelikula eh. Iyon namang MTRCB, dapat TRCB na lang dahil wala na ngang movie. Ano nga kaya ang mangyayaring kasunod?
HATAWAN
ni Ed de Leon