Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rocco, may paalala sa mga may kasamang senior citizen sa bahay

NAGBIGAY ng tips ang Kapuso actor at registered Nurse na si Rocco Nacino para sa mga taong may kasamang senior citizen sa bahay dahil na rin sa Covid-19.
Senior citizen na rin ang mga magulang ni Rocco kaya nakare-relate siya. Aniya, mas makabubuting ‘wag palabasin ng bahay ang mga senior dahil sa kanilang mas mababang immune system.
Dagdag pa nito, “kailangan talaga ng extra precautions para sa mga nakatatanda nating mga kapamilya.
“For me, the best way talaga is to educate people, ikukuwento sa kanila kung ano ang mangyayari.
“Siguro para fair, i-limit n’yo na lang ‘yung oras na nasa labas kayo. Siguraduhin na may kasama sila na magre-remind sa kanila na huwag na huwag humawak sa mga bata o kung sino man,”
unang tip ng Kapuso actor.
Iginiit pa ng actor na dapat habaan din ang pasensiya at pang-unawa sa mga senior.
“Alam ko lahat tayo may problem with the elders na hindi nakikinig.
“Kaya dapat mahaba [ang] pasensya natin na huwag tayong mag-resort sa negative reinforcement na pagagalitan natin sila.
“More on mag-suggest tayo nang mag-suggest baka mas okay limitahan natin ‘yung paglabas n’yo.
“Magsuot kayo ng gloves, magsuot kayo ng mask. Labas kaunti tapos balik ulit sa bahay,”
 pahayag pa niya.
Dugtong pa ng binatang Nurse, “Kung ako mas ie-encourage ko na lang na manood sila ng TV, mga programa ng GMA para matuwa na lang sila.”

 

 

 

MATABIL
ni John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …