NAMATAY na kahapon, Mayo 4 ang komedyanteng si Babadjie. Namatay siya dahil sa pneumonia sa San Lazaro hospital na roon siya dinala simula pa noong Abril 25. Bago iyon, sinabi nang nawalan na ng ganang kumain si Babadjie at nahihirapan na ring huminga, ilang ulit siyang dinala sa Pasay City General Hospital pero hindi naman siya matanggap dahil puno iyon. Noong malala na talaga si Babadjie, dinala siyang muli sa ospital, gamit lamang ang tricycle ng barangay dahil may lockdown na nga. Ini-refer siya sa San Lazaro, at isinugod doon sakay pa rin ng tricycle. Roon na siya na-confine.
Marami pang ibang detalye eh, pero ang talagang napansin namin, iyong kailangang tricycle ng barangay ang maghatid sa kanya sa ospital sa kabila ng malalang kalagayan. Wala bang serbisyo ng isang ambulansiya? Iyon ang problema ng hindi mayaman sa panahon ng lockdown.
HATAWAN
ni Ed de Leon