Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Awra at Poli, nagkampihan; binuweltahan si Feng

MAY lumitaw na panibagong testigo, iyong si Poli Lejarde, na sinasabi ni Awra Briguela na siyang “jowa” ng nanloko sa kanyang si Feng dela Cruz.

Sa kanyang statement na inilabas sa social media, iginiit ni Poli na ang lahat ng sinabi ni Awra, at lahat ng akusasyon niyon laban kay Feng ay totoo.

Sinabi rin niyang totoo ang bintang na nakipagsabwatan siya kay Feng nang sabihin kay Awra na magkaibigan lamang sila, kahit na ang totoo ay may relasyon sila noon, dahil “in love” rin siya kay Feng at sinusunod niya ang lahat ng gusto niyon, noong mga panahong iyon.

So lumalabas ngayon na ang dalawang bakla, sina Awra at Poli ay kapwa biktima rin ng bakla rin namang si Feng.

Sinabi rin ni Poli na sinabi sa kanya ni Feng na “makikipagmabutihan siya kay Awra para sa career.” Kasi gusto rin niyong sumikat, at ang paniwala niya magagamit niya si Awra para roon.

Ipagpalagay nating totoo nga ang lahat ng akusasyong iyan, at hindi naman kami kani-kanino. Lumalabas na iyong Poli at maging iyong Awra ay nagpabola roon sa Feng dahil in love sila. Pogi kasi iyong Feng kahit na sabihin mong tumitikwas din ang daliri. Eh uso naman sa kanila ngayon iyon eh, ang tawag nga nila “fubu” na ang ibig sabihin, “for us by us,” sila-sila nagpapatulan dahil pareho naman sila.

Ngayon aminin na rin natin ang katotohanang pareho silang nagkaroon ng interest doon sa Feng dahil nga pogi. Naging biktima rin sila ng kanilang emosyon. Hindi nila inisip na maaaring iba ang kahantungan niyon, at ngayon pareho silang umaangal dahil nasira ang kanilang relasyon doon sa Feng.

Sino ngayon ang sisisihin mo?

 

 

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …