NAGULAT na naman kami noong isang araw nang bigla na lang lumabas na namatay na pala ang indie director na si GA Villafuerte. Siya ay director at producer din ng ilang LGBT films noong araw. Ayon sa balita, pneumonia ang ikinamatay ni direk na 42 years old lamang.
Iyang pneumonia ay isang sakit na pinalalala ng Covid-19. Kaya nga sinasabi nilang si direk ay Covid-19 victim din. Sayang, napakaagang namaalam ni direk.
HATAWAN
ni Ed de Leon