Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angel, covid free kahit kabi-kabila ang exposure sa frontliners at ospital

MABUTI naman na sa kabila ng kanyang naging exposure sa mga frontliner at doon din sa mga ospital na kanyang pinupuntahan para maitayo ang kanyang mga quarantine tent ay hindi nahawahan ng Covid-19 si Angel Locsin. Sa tests na ginawa sa kanya, idineklarang Covid free siya.

 

Ang lahat naman ng iyon ay sinasabi ni Angel na dahil malakas nga ang kanyang pangangatawan at dahil na rin sa iniinom niyang kombinasyon ng mga bitamina na kailangan ng katawan para hindi tablan ng sakit.

Magandang sundan ang ginagawa ni Angel. Una, kailangan ngang manatili na lang sa loob ng bahay kung puwede dahil iyon ang katiyakang hindi ka na talaga magkakaroon ng contact sa isang virus carrier, ganoon din ang pagpapanatili ng social distancing. Pero dapat ngang idagdag diyan para makasiguro lang ang pag-inom ng mga bitamina o supplements na kailangan ng katawan. Lalo na nga ngayon na hindi mo masasabing sagana sa bitamina ang kinakain mo dahil karamihan ay mga de lata lamang. Maliban doon sa ipinagmamalaki nilang Omega 3, ano nga ba ang makukuha mo sa sardinas? Lalo naman ang noodles na bukod sa maalat may wax pa.

 

Kaya tama talaga ang sinasabi ni Angel, kailangang uminom ng bitamina para mas mapalakas pa ang katawan at mas maging matatag din laban sa virus. Siyempre kailangan din naman ang exercise. Pero kung lalabas kayo, kahit sa harapan lang ng bahay ninyo para mainitan naman ng araw o makapaglakad-lakad, kailangan mayroon kayong face mask para sigurado kayo.

        

Baka nga hangad ninyo ang exercise, sinasalubong naman ninyo ang virus mismo na mula sa mga nakakasalubong ninyong ibang tao.

HATAWAN
ni Ed de Leon

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …