Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kim Rodriguez

Kim, ginawang abala ang sarili para ‘di mainip sa ECQ

PARA hindi makaramdam ng pagkabagot dahil sa ECQ, ginagawang maging busy ng Kapuso actress na si Kim Rodriguez.

At dahil nasanay na halos araw-araw ay nagtatrabaho at laging may pinagkakaabalahan dahil sa kanyang apat na negosyo na siya mismo ang nagpapatakbo sa tulong ng masipag niyang manager na si Jenny Molina at taping ng kanyang kinabibilang serye, ‘di nasanay na maglagi sa bahay ni Kim.

Pero ngayong halos lahat nga ay naka-house quarantine para makaiwas sa Covid-19, ginawang busy ni Kim ang kanyang araw sa iba’t ibang mga bagay.

Una na ang pag-eehersisyo para na rin sa kanyang kalusugan at nang hindi tumaba. Nag try din siyang magluto ng iba’t ibang putahe para sa kanyang pamilya at paminsan-minsan ay nagti-Tiktok. At bilang pagtulong sa ating mga kababayan ay nagpi- Facebook Live at namamahagi ng tulong sa abot ng kanyang makakaya.

Wish nga ni Kim na matapos na ang krisis na pinagdaeanan ngayon ng Pilipinas at ng buong mundo para makabalik na sa trabaho ang lahat at maging normal na muli ang takbo ng buhay ng bawat Filipino.

MATABIL
ni John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Jordan Andres Omar Uddin Lance Reblando

Jordan, Omar, at Lance lakas ng kanilang henerasyon sa teatro

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGAGALING lahat. Ito ang nasabi namin matapos magparinig ng kanya-kanyang awitin …

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …